
‘Dagdag na sahod, isabatas’
Nagmartsa tungong House of Representatives ang iba’t ibang labor groups sa ilalim ng National Wage Coalition (NWC) para igiit ang agarang pagsasabatas ng pagtataas ng sahod sa bansa.
Ngayong araw, Hunyo 2, itinutulak ng NWC na talakayin at ipasa na sa third and final reading sa 19th Congress ang dagdag na P200 sa sahod ng mga manggagawa.
Paliwanag ni Jerome Adonis ng Kilusang Mayo Uno, isang hakbang pa lang ang pagsasabatas ng P200 dagdag na sahod. Hiling nila ang P1,200 na family living wage.
Dagdag ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, ang P200 wage increase na panukala sa kamara ngayon ay para sa minimum wage earners lang at hindi sa lahat ng manggagawa.
“Ang ating panawagan ay tuluy-tuloy na pagtaas ng sahod at pagbaba ng presyo ng mga bilihin,” sabi ni Rep. Brosas
“Tuluy-tuloy tayong magmulat ng mga manggagawa, mag-organisa ng mga unyon at kumilos para makamit ang P1,200 family living wage,” sabi ni Adonis.
Photos by AP/Altermidya
Original post: https://www.instagram.com/p/DKYl4caTqVz/?utm_source=ig_web_copy_link